Iginiit ni Justice Sec. Menardo Guevarra na labag sa batas ng Food and Drug Administration (FDA) ang pamamahagi ng Ivermectin sa mga tao.
Ang reaksyon ni Sec. Guevarra ay kaugnay ng inilunsad na Ivermectin Pan-Three nina Congressmen Mike Defensor at Rodante Marcoleta sa Quezon City.
Ang Ivermectin na para sa “human use” ay hindi pa rehistrado sa Pilipinas, pero may inisyu ang Food and Drug Administration o FDA na Compassionate Special Permit o CSP sa limang ospital para magamit ito sa COVID-19 patients.
Nilinaw naman ng kalihim na may dalawang exemptions sa distribusyon ng Ivermectin na binanggit ng FDA: ito ay ang CSP at kung compounded ang gamot ng lisensyadong pharmacies, kapwa dapat may prescription ng doktor.
Alin man aniya sa dalawang ito ang ginawa nina Rep. Defensor at Marcoleta, pwede nila itong gamiting depensa sakaling sila ay ireklamo.
Sinabi ni Guevarra na hindi pa kasi malinaw ang legal basis para sa dalawang exemptional situations.
Hindi naman masabi ni Sec. Guevarra kung ano ang legal na maaaring kaharapin hinggil dito.