Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na suspendido muna ang pamamahagi nila ng ayuda para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na apektado ng COVID-19.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, halos paubos na kasi ang pondo sa kanilang AKAP program.
Sa ilalim ng programang ito, nagkakaloob ang DOLE ng P10,000 o 200 US dollars sa mga OFW na naapektuhan ng COVID-19.
Sinabi ni Bello na ang suspensiyon ay hanggat hindi pa dumarating ang hiling nilang karagdagang pondo para sa AKAP program.
Naabisuhan narin aniya ang mga tanggapan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa iba’t ibang bansa hinggil sa suspensiyon ng programa.
Una nang humirit ang DOLE ng karagdagang 2 bilyong piso para sa nasabing programa.
Facebook Comments