Target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maipamahagi ang lahat ng lupa sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) bago matapos ang kaniyang termino.
Ayon kay Pangulong Marcos, inaasahan niyang madu-doble pa ang bilang ng mga titulo ng lupa na maipapamahagi ngayong 2024, kumpara sa 90,000 land titles na naipagkaloob sa mga magsasaka noong 2023.
Kamakailan lamang ay nasa 2,600 na land electronic titles sa mga benepisyaryo sa Davao City ang naipamahagi kung saan magandang simula aniya ito sa mas marami pang titulo na ipamamahagi ngayong taon.
Pangako ng pangulo na patuloy aniyang kikilos ang gobyerno upang maipagkaloob sa mga magsasaka ang iba pang suporta na kaakibat ng land titles.
Facebook Comments