Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang gabinete ang pamamahagi ng 6,406.6 ektarya lupain sa mga rebel returnee.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, inaprubahan na ng Pangulo ang mga rekomendasyon ng Department of Agrarian Reform (DAR) kabilang ang paglalatag ng security measure ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa mga lupaing sakop ng gobyerno na nasa mga kritikal na lugar.
Kasama rin sa rekomendasyon ang paglikha ng Inter-Agency Task Force para sa relocation ng mga rebel returnees sa ibang rehiyon o lalawigan na may bakanteng lupain ng gobyerno.
Gayundin ang pagtukoy pa sa iba pang mga lupain na pagmamay-ari ng ng gobyerno na maaaring ipamigay sa mga rebel returnee.
Maliban dito, ipinag-utos din ng Pangulo ang pagpapatupad ng whole of nation approach para palakasin ang suporta at mga proyektong pangkabuhayan para sa mga rebel returnee.
Una nang nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Proclamations No. 1090-1093 nitong Pebrero 5 na nagbibigay kapatawaran sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF); Moro National Liberation Front (MNLF); Rebolusyonaryong Partidong Manggagawang Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade Tabara Paduano Group (RPMP-RPA-ABB); Communist Terrorist Group.
Hindi naman sakop ng amnestiya ang mga krimen tulad ng kidnap-for-ransom, massacre, rape, terrorism, grave violations sa Geneval Convention of 1940, genocide, crimes against humanity, war crimes, torture, enforces disappearances at iba pang gross violations sa human rights.