Pamamahagi ng mga bakuna sa mga rehiyon, lilimitahan muna ng pamahalaan

Agad nang ipamamahagi ng pamahalaan bukas ang 1.6 milyong bakuna ng Johnson & Johnson sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Gayunman, sinabi ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., limitado lamang muna sa tig-100,000 bakuna ang ipamamahagi sa bawat rehiyon.

Pero ang mga malalaking rehiyon aniya tulad ng Region 4A at Bangsamoro Autonomous Region ay maaaring doblehin dahil mataas ang populasyon dito ng A2 at A3 priority groups.


Bukas nakatakda ring dumating sa bansa ang ikalawang batch ng Janssen vaccines na 1.6-million doses at 1.3-million doses naman ng Sinovac.

Facebook Comments