Pamamahagi ng mga balota para sa BSKE, nasa 95% nang tapos – Comelec

Malapit nang makumpleto ng Commission on Elections (Comelec) ang pamamahagi ng mga gagamitin balota para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, 95% nang kumpleto ang delivery ng mga official ballot at election paraphernalia na nagsimula pa noong nakaraang linggo.

Sa paghahatid ng mga official ballot, walang naitala na anumang aberya o problema ang Comelec.


Samantala sa kasalukuyan, inihahatid na ng courier service company ng Comelec ang mga balota sa Region 4A at Region 4B.

Kasabay na rin dito ang pagdadala ng balota sa tatlong polling place sa Quezon City at Dasmariñas, Cavite na gagamitin bilang pilot area para sa automated na eleksyon.

Sa darating naman October 20 ay nakatakda nang ihatid ang mga balota at election paraphernalia sa Metro Manila.

Facebook Comments