PAMAMAHAGI NG MGA MEDICAL EQUIPMENT SA MGA BAYAN NG IKAANIM NA DISTRITO NG PANGASINAN, UMAARANGKADA

Umaarangkada ang pamamahagi ng mga medical equipment sa bara-barangay sa mga bayan sa ilalim ng ikaanim na distrito ng Pangasinan o ang mga bayan ng Asingan, Balungao, Natividad, Rosales, San Manuel, San Nicolas, San Quintin, Santa Maria at Tayug.
Una nang nakatanggap ilang mga barangay sa bayan ng San Nicolas, Asingan, Umingan at Rosales na pinangunahan naman ni 6th Congresswoman Primicias katuwang ang mga lokal na gobyerno ng mga nasabing bayan.
Layunin nitong mas palakasin pa ang pangkalusugang hanay sa mga barangay level upang masiguro ang maayos na pagsasagawa ng mga paunang lunas nang hindi humantong sa mas kritikal o komplikadong kondisyon mangyari man ang mga insidente sa mga komunidad sa mga bayan.

Samantala, hindi lamang sa aspeto ng pangkalusugan ang tinututukan ng tanggapn dahil maging ang pagbisita sa mga Child Development Centers ay regular ding naisasagawa na may layong mabantayan, at matiyak ang kaligtasan at matugunan ang anumang pangangailangan ng mga bata. |ifmnews
Facebook Comments