Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang pamamahagi ng mga relief goods sa mga Dagupeñong naapektuhan ng nagdaang bagyo mula sa lokal na pamahalaan ng Dagupan katuwang ang ilang mga kumpanya at nagpahayag din ng kanilang suporta para sa mga apektado.
Matatandaan na nasa mahigit 30,000 families katumbas niyan ay nasa 116,000 indibidwal ang naapektuhan ng bagyong Egay dahilan ang naranasang matinding pagbaha.
Nakapagtala rin ng nasa mahigit 500 na pamilya katumba niyan ay nasa halos 2,000 na mga Dagupeño ang nanatili sa mga evacuation centers sa mga Bara-barangay dahil sa lampas bewang at lampas taong naging lebel ng tubig sa kanilang mga purok at sitio noong mga nagdaang araw.
Samantala, ang pamamahagi ng mga relief packs ay naiabot na sa halos lahat ng tatlumpu’t-isang Barangay sa Dagupan City kasabay ng kanilang muling pagbangon pagkatapos ng naranasang kalamidad. |ifmnews
Facebook Comments