Humingi ng paumanhin si Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan ng lungsod dahil hindi aniya mapabibilis ang pamamahagi ng tablet sa mga bata.
Ayon kay Sotto, ito ang dahilan kung bakit nagpaprint sila ng mga modular learning para sa unang buwan ng pasukan ngayong taon.
Mahigit sa 150,000 tablet ang ipamamahagi ng lungsod kung saan lalagyan ang bawat isa nito ng mga modular learning para sa unang quarter ng School Year.
Sinabi rin ng alkalde na umabot ng 14.2 milyong piso ang naging budget sa pagbili ng mga tablet.
Pinuri naman ni Sotto ang mga guro ng pampublikong paaralan ng lungsod dahil sa ginawa nilang mga inisyatibo kaugnay sa pagbubukas ng klase ngayong taon sa ilalim ng distance learning.
Facebook Comments