Pamamahagi ng monthly load allowance sa mga guro at non-teaching personnel, sinimulan na ng DepEd

Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang pamamahagi ng monthly load allowance para sa mga guro at non-teaching personnel.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, nagmula ito sa pondo ng Bayanihan 2 o Republic Act 11494 na ibibigay sa 277,381 mga guro sa bansa.

Makatatanggap ang bawat guro ng kabuuang 102 gigabytes ng data sa loob ng tatlong buwan o 34GB kada buwan.


Karagdagang 4GB naman na data kada buwan ang nakalaan para sa paggamit ng ibang aplikasyon.

Sa ngayon, pagtitiyak ni Briones na sapat ito para sa pangangailangan ng mga guro.

Facebook Comments