Dinagsa ng mga Benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) ng DWD kung sana ay maaga pa lang ay mahaba na ang pila sa Barangay Bevery Hiills sa Antipolo, Rizal.
Ngayon ang schedule nila ng pagtanggap ng ayuda sa Social Amelioration Program ng DSWD na nagkalahalaga ng P6,500.
Mapalad ng Barangay Beverly Hills dahil sa 16 na Barangays sa Antipolo City ang naturang Barangay ang unang Barangay na makikinabang na ayuda mula sa gobyerno.
Ayon kay Barangay Captain Danilo Arcilla nh Barangay Beverly Hills ang pinakamahirap na residente ang kanilang prayoridad sa distribusyon ng tulong.
Paliwanag ni Arcilla ang mga may dalang Social Amelioration Card (SAC) form, hinahanapan sila ng valid ID at pagkatapos ng screening ay pagkakalooban na ng pera.
Pero aminado ang Barangay Captain na mayroong problema, dahil marami kasing nagrereklamo dahil wala ang kanilang pangalan sa listahan at 117 lang ang tatanggap ng ayuda gayong 700 ang household sa kanilang lugar.