PAMAMAHAGI NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN NG AYUDA SA MGA TANOD SA IKATLONG DISTRITO NG LALAWIGAN, ISINAGAWA

Kinilala ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang lahat ng tulong at sakripisyo ng mga Barangay Tanod mula sa ikatlong distrito ng lalawigan.
Tinatayang nasa mahigit anim na libo (6,000) na mga Civilian Volunteer Organization (CVO) o tanods sa mga bara-barangay mula sa mga bayan ng Malasiqui, Bayambang, Calasiao at Sta. Barbara.
Layunin ng naturang programa na ito ay upang bigyang pagkilala sa mga pangunahing nagtataguyod at nagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad sa ikatlong distrito noong panahon ng pandemya.

Ayon sa mga CVO na napamahagian ng financial grant ay malaking tulong umano ang ganitong programa ng pamahalaan upang kahit papaano ay makatulong sa pambili ng mga kailangan sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay. |ifmnews
Facebook Comments