Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Maynila na natapos na ang pamamahagi ng ayuda sa first batch ng mga micro rice retailers sa lungsod.
Ito ay pawang mga rice retailer na sumunod sa ipinatupad na Executive Order No. 39 ni Pangulong Marcos Jr.
Aabot sa 192 na micro rice retailers ang nabigyan ng P15,000.00 na financial sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD kung saan tintapos naman na sa ngayon amg pamamahagi sa second batch.
Ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna, naka-hold muna sa ngayon ang pamamahagi ng financial assistance sa mga sari-sari store owners dahil sa tinatapos ang pamamahagi ng DSWD at Department of Trade and Indistry (DTI) sa mga micro rice retailers.
Aniya, hinihintay rin nila kung ilan ang maaprubahan ang listahan para sa batch 2 at sari-sari store owners.
Nabatid na aabot sa 2019 na benificiaries na pawang mga micro rice retailers ay sari-sari store owner ang nasa listahan na pinasa ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa DTI.