Sinimulan na ng Land Transportation Office Candon District Office ang pamamahagi ng license plates para sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA).
Ayon sa LTO Region 1, tugon ito sa backlog sa motorcycle plates at labanan ang paglaganap ng “colorum” tricycles.
Dagdag pa ng ahensya, ito ay para sa mas maayos na pagrerehistro at regulasyon ng pampublikong transportasyon.
Ang pamamahagi ng opisyal na plaka ay nagpapalakas sa road safety, vehicle identification, at pananagutan ng mga operator at drayber.
Hinihikayat ang mga TODA member na makipag-ugnayan sa kanilang asosasyon at sa LTO Candon para sa maayos at mabilis na distribusyon ng mga plaka. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments