Walang patid ang pagdating ng mga donations sa munisipyo ng Cainta, Rizal ngayong araw.
Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto na isang libong piraso ng embotibo na ibinigay ni Red Rojo ng Felix Subd. ay kanyang ipamamahagi naman ngayon sa Planters Berm, Blk. 10, Road 21, Cainta, Rizal.
Bukod sa mga donasyon namahagi rin ng mga relief goods ang alkalde kung saan inuna nito ang mga lugar na mga mahihirap gaya ng Sitio Halang Zone 1, 2, 3 at 4 sa Barangay San Isidro, Cainta, Rizal kung saan namahagi si Mayor Nieto ng 1,040 packs ng relief goods na may lamang bigas, noodles at canned goods.
Maliban sa Sitio Halang Barangay San Isidro, namahagi rin ang alkalde sa Dulo Parola, Barangay San Andres, 500 packs ng relief good, 250 packs naman sa Valley View Phase 1_A, B, C, at D habang sa Greenview Woods Area 5 ay 500 packs ng relief goods,ganun din sa Planters Berm West Floodway San Andres,San Francisco Floodway San Juan at Saint Gregory San Isidro na tig-500 pakete ng relief good at 600 packs naman sa Planters West Floodway Cainta, Rizal.
Pakiusap ni Mayor Nieto sa mga lugar na hindi pa mapapadalahan ng mga relief goods na mag-antay lamang sila dahil ginagawan niya ng paraan upang lahat ng mga residente ng Cainta, Rizal ay hindi magugutom habang ipinatutupad Enhanced Community Quarantine (ECQ).