PAMAMAHAGI NG RELIEF PACKS, NAGPAPATULOY SA ILOCOS REGION

Tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng relief packs sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 sa mga apektadong residente ng nagdaang kalamidad sa buong Ilocos Region.
Sa datos ng pamunuan, nakapagbigay na ng 433, 727 Family Food Packs (FFPs), 3, 243 Non-Food Items (NFIs), at 275 Ready-to-Eat Food (RTEF) sa mga naapektuhang mamamayan sa Region 1 ng mga magkakasunod na bagyo at habagat.
Tiniyak din ng ahensya na maayos at de-kalidad ang mga ibinibigay na relief sa pamamagitan ng pagsasagawa ng random inspection sa mga ito.
Samantala, matatandaan na umabot sa daan-daang libong mga pamilya sa kalakhang Ilocos ang naapektuhan ng mga bagyo, at pumalo rin sa bilyong piso ang naitalang mga danyos sa agrikultura, livestock, pangisdaan, maging imprastraktura. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments