Mahigit isang daang libong mga food at non-food items na ang naipamahagi mula sa inihandang relief packs ng DSWD, laan para sa mga naaapektuhang mga residente ng nagdaang mga bagyo sa Region 1.
Sa datos ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1, as of July 28, naibigay na ang 15, 490 na FFPs sa 78 NFIs sa Ilocos Norte, sa Ilocos Sur naman, kabuuang 6, 432 na mga FFPs at NFI ang natanggap na rin ng mga residente.
16, 520 FFPs at NFIs ang naibigay na sa mga apektadong residente sa La Union habang 82, 504 naman sa Pangasinan.
Samantala, nauna nang inihayag ni DSWD Sec. Rex Gatchalian sa kanyang naging pagbisita sa Rehiyon Uno ang kahandaan ng tanggapan sa pag-agapay sa mga nangangailangan sa ganitong mga pagkakataon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









