CAUAYAN CITY- Muling magpapatuloy ang pamamahagi ng Lokal na Pamahalaan ng Santiago ng Rice Seed Subsidy sa mga magsasakang Santiagueño para sa dry season 2024-2025.
Ito ay nagsimula noong sa October 28-November 15, 2024 mula alas 9 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon sa Gunot Seed Farm, Brgy. Rizal, Santiago City.
Ang iskedyul ng naturang pamamahagi ng libreng binhi ay nakabase sa lokasyon ng sakahan o Irrigator’s Association na kinabibilangan ng benepisyaryo.
Samantala, tanging ang mga sumusunod ang maaaring magbigay ng awtoridad sa ibang tao upang makakuha ng binhi na kinabibilangan ng Senior Citizen, Persons with Disability (PWD), Persons Deprived of Liberty (PDL), nagtatrabaho sa labas ng Isabela, OFW, buntis, at may sakit.
Mahigpit naman na pinapaalalahanan ng opisina ang mga benepisyaryo na sundin ang naturang iskedyul upang mapabilis ang proseso.