PAMAMAHAGI NG RICE SEEDS SA CAUAYAN, NAGSIMULA NA

CAUAYAN CITY – Nagsimula na ang pamamahagi ng City Agriculture Office ng mga rice seeds sa mga magsasaka sa Lungsod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Cauayan City Agriculturist Engr. Ricardo Alonzo, 9,550 hectares ng iba’t ibang hybrid rice seeds ang nakalaan sa lungsod para sa dry season 2024-2025.

Dagdag pa ni City Agriculturist Alonzo, nasa 60% na mula sa total allocation ang kanilang naipamahagi sa lungsod.


Ibinahagi rin nito ang kwalipikasyon upang makatanggap ng mga ayuda hindi lamang ng rice seeds kundi maging fertilizers, financial assistance, at fuel assistance, ay kailangang ang isang magsasaka ay rehistrado sa RSBSA (Registry System for Basic Sectors in Agriculture).

Samantala, nakadepende naman sa registered area ng isang magsasaka ang mabibigay na rice seeds.

Ang maximum area para sa rice seeds ay aabot sa 10 hectares habang sa fertilizer assistance naman ay aabot sa 5 hectares.

Facebook Comments