Cauayan City, Isabela- Anumang araw simula ngayon ay magkakaraoon na ng pamamahagi ng Social Amelioration Card Form sa Lungsod ng Cauayan na pipirmahan ng mga pangunahing mabibigyan ng financial assistance mula sa pamahalaan.
Hindi na kinakailangang magtungo sa tanggapan ng DSWD upang kumuha ng Form dahil mismong mga representative ng DSWD at ibang kawani ng ahensya ng pamahalaan ang magbibigay na sa mga barangay sa Lungsod.
Kinakailangan na ang pinuno ng pamilya ang pipirma sa Form at isusumite rin sa kukuhang kinatawan ng lokal na pamahalaan.
Kabilang sa mabibigyan ng emergency subsidy program ay ang isang pamilyang mayroong senior citizen, PWD, mga buntis, mga inang papa-breastfeed ng sanggol na anak, solo parents, lumads at walang tirahan.
Mga nasa informal sector tulad ng house helpers, PUV drivers, sari-sari store owners, minimum wage workers at mga empleyadong nasa ‘no-work, no-pay’ situation.