Malapit nang makumpleto ang distribusyon ng cash aid ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).
Sa taya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), dalawang porsyento ng higit 14.5 million na targeted beneficiaries ang hindi pa nakatatanggap ng kanilang cash aid.
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, mula nitong December 30 ay nakapamahagi na sila ng ₱86.8 billion sa higit 14.5 million beneficiaries.
Ang mga hindi pa nabibigyan ng SAP 2 aid ay mula sa National Capital Region (NCR), CALABARZON at ilang bahagi ng Central Luzon.
Hinihintay na lamang nila ang liquidation reports mula sa Financial Service Providers (FSP).
Sa first tranche ng SAP, nakapag-disburse ang DSWD ₱99.9 billion sa higit 17.6 million family beneficiaries.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11469, o Bayanihan to Heal as One Act, nasa 18 million low income households ang makatatanggap ng emergency subsidy na nagkakahalaga ng 5,000 hanggang 8,000 sa loob ng dalawang buwan.