Pamamahagi ng SAP 2, target tapusin ng DSWD sa ikalawang linggo ng Agosto

Nais na makumpleto ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makumpleto ang pamamahagi ng ikalawang tranche ng emergency cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) sa ikalawang linggo ng Agosto.

Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, nakapamahagi na sila ng ayuda sa 8,979,360 family-beneficiaries sa buong bansa sa pamamagitan ng digital at manual payout.

Katumbas aniya ito ng 63% ng kabuoang target na nasa 17 million beneficiaries, kabilang ang limang milyong waitlisted beneficiaries.


Nitong August 2, aabot na sa ₱58.5 million SAP ang naipamahagi ng DSWD.

Pagtitiyak ni Bautista na patuloy silang nakikipagtulungan sa mga Local Government Unit (LGU) para tugunan ang pangangailangan ng mamamayan.

Matatandaang inihayag ng DSWD na pahirapan ang pamamahagi ng SAP sa geographically-isolated areas at conflict-affected areas.

Facebook Comments