Pamamahagi ng SAP, apektado dahil sa MECQ ayon sa DSWD

Maaantala muli ang pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

Kasunod ito ng muling pagsasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ng Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan at Rizal.

Ayon kay DSWD Undersecretary Rene Glen Paje, apektado kasi ng MECQ ang ilang services provider gaya ng mga bangko.


Ilan pa sa dahilan kung bakit naantala ang pamamahagi ng SAP 2 ay iba-iba ang datos na ibinibigay ng benepisyaryo, dobleng pangalan na ipinasok ng mga benepisyaryo, kabiguan ng mga benepisyaryo na ibigay ang mga kinakailangang impormasyon tulad ng kanilang contact numbers, ang mga benepisyaryong nakatira sa geographically-isolated at disadvantaged areas, at sa conflict-stricken areas, kabiguan ng Local Government Units (LGUs) na magbigay ng kumpletong liquidation requirements, DSWD personnel na tinamaan ng COVID-19, limitadong mobility ng SAP frontliners sa mga lugar na may mataas ang kaso ng COVID-19.

Umaapela ang DSWD sa publiko ng pang-unawa hinggil sa mabagal na pamamahagi ng emergency cash subsidy.

Matatandaang katapusan ng Hulyo ang target na matapos sana ang pamamahagi ng SAP ngunit iniurong ito ng Agosto 15, 2020.

Batay sa DSWD, mula sa 14.1 milyon target beneficiaries, umabot na sa 9.6 families ang nabigyan ng ikalawang bugso ng tulong pinansyal.

Facebook Comments