Pamamahagi ng SAP, hinati sa 4 na lugar ngayong araw sa Antipolo City

Patuloy ang pamamahagi ng ayuda ang ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo kung saan ngayong araw ay apat na lugar ang kanilang padadalhan ng tulong para sa mga benepisyaryo sa unang batch ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Antipolo City Mayor Andeng Ynares, apat na venue ang pupuntahan ng Antipolo City Government ang Cupang Elementary School, Taguete Elementary School sa Brgy. Barangay Cupang, San Jose National High School at Old Bosoboso Covered Court sa Brgy. San Jose.

Paliwanag ng alkalde ₱6,500 ang matatanggap ng mga benepisaryo na mga mahihirap, senior citizen, PWD, buntis, solo parent at informal economy workers na mga kasambahay, PUV at Private Vehicle Drivers, construction workers at iba pang daily wage earners.


Dagdag pa ni Mayor Ynares, ang listahan ng potential beneficiaries mula sa DSWD, naka-post sa official Facebook page ng kanilang barangay.

Hinikayat din ng Antipolo City Government ang mga makakaalam ng anumang uri ng iregularidad kagaya ng pinapabayaran na SAC Form, ay maaari itong i-report sa 8888 at may ₱30,000 pabuya sa mga makakapagpatunay ng anumalya tungkol sa SAP ng DSWD.

Facebook Comments