Patuloy pa rin ang pamamahagi ng Barangay Pembo, Lungsod ng Makati ng pera mula Social Amelioration Program o SAP.
Ayon kay kagawad Venis Turingan, nasa 2,269 SAP beneficiaries ang target nilang mabigyan nagayong araw.
Aniya, maliban ngayon araw, nauna nang nabigyan ang 665 SAP beneficiaries noong nakaraang linggo.
Kulang-kulang 14,000 ang kabuuang bilang ng household sa Barangay Pembo, mula sa nasabing bilang nasa 5,716 households lang ang nag-qualify sa SAP.
Titiyakin aniya na matapos ang mahigit 2,000 beneficiaries na bigyan ngayon araw, upang ma matapos nila ang pamamahagi ng SAP bago mag Mayo a-10.
Samantala, ang Makati City ay meron ng 416 confirmed COVID-19 cases, 48 nito ay nasawi at 115 naman ang mga nakarekober na.
Nasa 315 ang bilang ng suspected cases at isa lang ang bilang sa probable cases.
Ito ay batay sa tala ng City Health Office ng lungsod pasado alas-9:00 kagabi.