Pamamahagi ng SAP sa Cauayan City, Dininig ng Sangguniang Panlungsod

Cauayan City, Isabela- Kasalukuyan ngayon ang pagdinig ng Sangguniang Panglungsod ng Cauayan kaugnay sa naging proseso sa pagpapatupad sa Social Amelioration Fund.

Ito ay bilang tugon din sa maraming mga reklamong natanggap na hindi naman karapat dapat mabigyan ng ayuda mula sa gobyerno.

Humarap at naigisa sa pagdinig ang mga nag evaluate sa mga pangalan ng mga recipients sa Lungsod ng Cauayan na hindi dapat kasama sa listahan ng mga mabibigyan ng cash assistance.


Batay sa datos ng DSWD Cauayan City, umabot sa mahigit sampung libong pamilya sa lungsod ang nasa wait listed at maituturing na left outs.

Facebook Comments