Pamamahagi ng “school kits” ng Valenzuela LGU, minamadali na

Minamadali na ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang pamamahagi ng “Balik Eskuwela 2023 School Kits” sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan bago ang pasukan ng klase sa Agosto 29.

Simula mamaya, Agosto 17 hanggang 19, sabay-sabay nang ipapamahagi ang mga school kits sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6.

Sa loob ng tatlong araw, mamamahagi ang LGU ng school kits sa 42 paaralan sa lungsod.


Kabuuang 79,451 na mag-aaral mula sa Kindergartens, Elementary at Special Education Students ang target beneficiaries ng school kits na bigay ng LGU.

Sinimulan ang distribusyon ng gamit pang eskwela sa mga mag-aaral noong Lunes, Agosto 7.

Facebook Comments