
Nagsimula na ang ‘all-out’ distribution ng second tranche ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, nagkaroon na ng ‘full-blast’ implementation sa lahat ng rehiyon sa bansa nitong June 22.
Nasa 4.2 million mula sa target na 5 million “left-out” beneficiaries ang na-validate.
Nakapamahagi na rin ang pamahalaan ng ₱6.7 billion na halaga ng subsidy sa mga mahihirap na pamilya at mga pamilya na nasa ilalim ng second tranche.
Sinabi rin ni Año na ang mga benepisyaro ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) ang unang mabibigyan ng financial assistance.
Nasimulan na rin ang pamamahagi ng financial aid sa Cordillera Region, Ilocos Region, at Central Luzon.
Ang pamahalaan ay naglaan ng ₱200 billion emergency package para sa mga mahihirap na pamilya.









