Pamamahagi ng second tranche ng SAP, tatapusin ng DSWD sa una o ikalawang linggo ng Hulyo

Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tapusin ang pamamahagi ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) sa una o ikalawang linggo ng Hulyo.

Sa interview ng RMN Manila kay DSWD Undersecretary Glen Paje, sinabi niya na ngayon sana ang deadline ng cash aid distribution pero ini-adjust nila ito dahil hindi pa nakukumpleto ng mga lokal na pamahalaan ang validation ng mga SAP beneficiaries.

Una nang sinabi ng DSWD na tuloy pa rin ang pamamahagi nila ng ayuda kahit napaso na ang Bayanihan to Heal as One Act.


Samantala, mamadaliin na rin ng DSWD ang pagbibigay ng ayuda sa mga benepisyaryo nito sa Cebu City sa pamamagitan ng digital payment system.

Susubukan din nilang magbahay-bahay para mahatiran ng tulong ang mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs).

Facebook Comments