Pangungunahan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang pamamahagi ng ikalawang bahagi ng cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).
Sa televised address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista, ibibigay na sa mga sundalo at pulis ang SAP distribution sa halip na mga local officials.
Dagdag pa ni Bautista, tututukan din ang cash aid distribution sa mga isolated at disadvantaged areas.
Bukod dito, gagamit din ng digital payment systems para sa mabilis na pamamahagi ng ayuda at maiwasan ang physical contact sa pagitan ng mga benepisyaryo at mga awtoridad.
Bago ito, nag-alok si Pangulong Duterte ng 30,000 pesos na pabuya sa sinumang may impormasyon hinggil sa mga lokal na opsiyal na ginagamit sa korapsyon ang financial assistance program.