Sinimulan na Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno.
Ayon kay DSWD Sec. Rolando Bautista, natanggap na ngayong araw ng nasa 1.3 million Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps cash holders ang kanilang ikalawang cash aid mula sa pamahalaan.
Aniya, susunod na linggo ay isusunod na ang mga lugar kung saan nakapagsagawa na at nakapagtapos ng validation.
Habang magpapatuloy pa rin ang mano-manong pamamahagi ng SAP sa mga isolated area sa tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Muli namang tiniyak ng kalihim na makakatanggap rin ng cash aid ang limang milyong left out o waitlisted beneficiaries na mga low-income families na naapektuhan ng community quarantine pero hindi nakasama sa unang tranche ng SAP.