Pamamahagi ng social pension sa Parañaque City, muling umarangkada

Muling umarangkada ang pamamahagi ng social pension para sa mga senior citizen sa lungsod ng Parañaque.

Partikular na namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Social Pension Unit sa Brgy. San Antonio kung saan makatatanggap ng tig-P3,000 ang nasa higit P1,700 na benepisyaryo habang ang iba na hindi nakuha ang kanilang pension noong nakaraang taon ay makukuha na rin.

Panawagan naman ng lokal na pamahalaan ng Parañaque na kung maaari ay mga representative na lamang ng mga lolo’t lola ang kumuha ng pera basta’t magdala lamang ng valid ID gayundin ang ID ng mga senior citizen.


Muli ring ipinaalala ng lokal na pamahalaan ng Parañaque sa iba pang mga senior citizens ng lungsod na hindi pa nakakapag-claim ng kanilang social pension na maaari na nila itong kunin ngayong araw hanggang bukas, June 26, 2020, sa City Treasurer’s Office, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Nabatid na nasa 155 na mga senior citizen pa mula sa Barangay Tambo, Baclaran at BF Homes ang hindi pa nakukuha ang kanilang social pension sa unang quarter ng taong 2020.

Facebook Comments