Umabot na sa 97% ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ang naipamahagi na sa mga benepisyaryo.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, natapos na ang distribution sa Ilocos Region, Bicol Region, SOCCSKSARGEN, at CARAGA.
Sinabi rin ni Secretary Año, may ilang local government officials na ang inaresto, ikinulong at hinihingan ng paliwanag.
Nasa 183 barangay officials na ang iniimbestigahan dahil sa anomalya sa pamamahagi ng ayuda.
Dagdag pa ng kalihim, nasa 48 alkalde ang pinagpapaliwanag dahil sa kabiguang maabot ang deadline at nasa 20% pa lamang ang accomplishment.
Nasa 12 kaso na ang isinampa, apat na kaso ang inihahanda, habang 58 ang pinoproseso, at dalawa naman ang inaresto at ikinulong.
Nananawagan ang DILG sa mga Local Government Units (LGUs) na isapubliko ang pangalan ng mga benepisyaryong makakatanggap ng cash aid para sa transparency.
Sa mga nakatanggap ng dobleng ayuda, hinimok ng ahensya na ibalik ang ayuda.