Pamamahagi ng Special Risk Allowance sa mga health worker sa bansa, sisimulan na ngayong araw

Inaasahang masisimulan na ngayong araw ang pamamahagi ng Special Risk Allowance (SRA) at kompensasyon sa mga health workers sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, magaganap ang pamamahagi hanggang sa ika-31 ng Agosto.

Tiniyak naman ni Duque kay Pangulong Rodrigo Duterte ang maayos na pamamahagi ng tulong sa mga health workers na unang humaharap sa paglaban sa pandemya.


Sa ngayon, nagbigay direktiba na ang kalihim sa Department of Budget and Management (DBM) na bigyan ng 10 araw ang kagawaran upang maipamahagi ang tulong-pinansiyal.

Kukuhanin ang pondo sa P1.9 billion na contingency fund ng pangulo salig na rin sa utos ng presidente.

Facebook Comments