Nasa Buguey, Cagayan ngayon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang pangunahan ang pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Marce.
Ayon sa Presidential Communications Office, mamamahagi ang Department of Social Welfare and Development ng 1,500 family food packs.
Habang magbibigay rin ang Department of Agriculture ng ₱866.33-M na halaga ng interbensyon para sa mga apektadong magsasaka.
Nakatakda ring mag-turnover si Pangulong Marcos ng ₱10-M na halaga ng financial assistance mula sa Office of the President sa bawat bayang lubhang apektado ng bagyo tulad ng Aparri, Buguey, Sanchez-Mira, Santa Teresita, Baggao, Gattaran, Gonzaga at Santa Ana.
Sa panig naman ng provincial government ng Cagayan, namahagi rin ng 300 food packs ang lokal na pamahalaan habang may nakahanda pang 500 packs kung kinakailangan.