Pamamahagi ng tulong sa mga maapektuhan ng Bagyong Mawar, inihahanda na ng DSWD

Nakahanda na ang mga bodega ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga rehiyon para sa pamimigay ng ayuda sa harap nang inaasahang pagtama ng Bagyong Mawar sa weekend.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na naka-pre-positioned na ang kanilang food packs at non-food items sa Regions 1 at Region 2 hanggang sa Batanes.

Ayon sa kalihim, bago matapos ang maghapon bukas ay makukumpleto nila ang pag-iimbak o stock piling ng food and non-food items.


Nakikipag-ugnayan na aniya sila ngayon sa mga lokal na pamahalaan, para kung sakaling kulangin ang ipamimigay na inisyal na tulong ng mga ito, nakaalalay ang DSWD sa mga maapektuhan ng bagyo.

Siniguro ni Gatchalian na sapat ang pondo o ang quick response fund ng pamahalaan para sa ganitong mga pagtugon sa panahon ng kalamidad.

Facebook Comments