Pamamahagi ng tulong sa mga magsasaka na apektado ng bagyong Pepito, pinapamadali na ng Department of Agriculture

Pinamamadali na ni Agriculture Secretary William Dar ang pagpapadala ng ayuda para sa mga magsasakang naapektuhan ng Bagyong Pepito sa Cagayan Valley, Central Luzon sa CALABARZON.

Sinabi ni Dar, inihahanda na ang pagpapalabas ng pondo sa ilalim ng Quick Response Fund para sa rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Kabilang din dito ang agarang distribusyon ng mga binhi ng palay at mais gayundin ng mga buto ng gulay at high value crops.


Bukod pa dito, ang Survival Recovery (SURE) program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) at pondo mula sa Philippine Crop Insurance Corporation na ipambabayad sa mga maaapektuhang magsasaka.

Abot na sa ₱67.57M ang halaga ng mga nawasak sa sektor ng agrikultura at nasa 5,998 na magsasaka ang apektado ang kabuhayan.

Facebook Comments