𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗛𝗜𝗥𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗝𝗠𝗣 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡

Dahil sa layuning makapag-abot ng tulong ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Dagupan City sa mga pamilyang mahihirap sa lungsod nagpapatuloy ang naturang programa.
“Adopt a Family Program” ito ang programa ng BJMP Dagupan City kung namamahagi ang ahensya sa mga mahihirap na pamilya ng iba’t ibang grocery items at mga damit.
Kabilang din sa nabibigyan ng tulong na ito ay mga mahihirap na pamilya ng isang Persons Deprived of Liberty (PDL).

Sa Brgy, Bonuan Gueset, matagumpay na nabahagian ang piling pamilya bilang benepisyaryo ng programa.
Bukod sa layuning makatulong ng BJMP, ito ay upang makapag-bahagi ng malasakit sa kapwa ang ahensya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments