Pamamahagi ng tulong sa mga pamilya ng OFW na naapektuhan ng lindol, sa susunod na linggo na ayon sa OWWA

Posibleng magsimula na sa susunod na linggo ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga pamilya ng overseas Filipino workers na naapektuhan ng magnitude 7 na lindol noong Miyerkules.

Sinabi ito ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac kasunod ng inilaang 20 million pesos na halaga ng initial support at assistance fund.

Ayon kay Cacdac, ipaprayoridad nila ang mga pinakaapektong lugar tulad ng Abra na siyang episentro ng lindol.


Makikipag-ugnayan naman ang OWWA sa DOLE at mga LGU sa maayos na pamamahagi ng ayuda.

Una nang sinabi ni Migrant Workers Secretary Susan “Toots” Ople na maaaring maghain ng aplikasyon ang mga apektadong pamilya sa pinakamalapit na tanggapan ng OWWA para sa financial assistance.

Facebook Comments