Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi sa mga benepisyaryo ng UCT-Listahanan ang kanilang Unconditional Cash Transfer cash card na naglalaman ng kanilang 2020 cash grant.
Isinagawa ito sa magkakahiwalay na Cash Card Distribution sa bayan ng Tayug at Binalonan, at sa lungsod ng San Carlos.
Ang mga benepisyaryo na nakatanggap ay bahagi ng unang batch ng cash card distribution na tuloy-tuloy nang isinasagawa sa iba’t-ibang bayan at siyudad sa Region 1.
Bago pa ang pamamahagi ay dumaan muna sa validation ang bawat benepisyaryo kung saan sinuri at pinatunayan ng staff ng DSWD Field Office 1 ang dokumento ng mga benepisyaryo.
Ang mga benepisyaryo ng UCT-Listahanan ay kabilang sa mga natukoy na mahihirap na sambahayan sa Listahanan 2 at lubos na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin dulot ng Train Law.
Ang iskedyul ng Cash Card Distribution ng bawat bayan at siyudad sa Region 1 ay ipinapaabot ng mga UCT-Listahanan Notifier sa mga opisyal ng bawat Barangay at sila naman ang magbabahagi ng impormasyon sa mga natukoy na benepisyaryo sa kanilang nasasakupan.