Aminado ang Antipolo City Government na kapos sa oras sila para makumpleto ang pamamahagi ng ayuda para sa unang Batch ng mga Benepisaryo ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Enrilito Bernado, Local Disaster Risk Reduction and Management Officer (LDRRMO) ng Antipolo, halos nangangalahati pa lang sila sa target 89,000 na mabigyan ng tulong.
Paliwanag ni Bernardo nagkaroon kasi sila ng problema sa DSWD National Validators na-nagcross match ng list of Beneficiaries.
May nagkasakit umano na DSWD worker kaya naudlot ang pagproseso at ikalawa kokonti lang ang mga DSWD worker kaya bumagal ang pagreview ng SAC forms.
Dahil dito, April 23 lang sila nakapagsimula ng pamamahagi ng ayuda at posibleng tumagal pa ito hanggang unang linggo ng Mayo.
Ngayong araw ang schedule ng pamamahagi sa Antipolo ay ang San Roque National High School.
Target dito makapagpamahagi ng P6,500 sa mahigit 2,000 Benepisyaryo.
Maaga pa lang ay mahaba na ang pila, punong puno ang Covered Gym at umabot hanggang labas ang pila.
Para naman sa pinakamahirap na hindi mapapasama sa listahan tuloy pa rin ang relief operations sa kanila.
Sa direktiba ni Mayor Andeng Ynares, nangangalap na ang kanilang Budget Officer ng mga pondo na pwedeng ilaan para sa Local Version ng SAP.