
Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na matapos ang pamamahagi ng unang phase ng Cash Relief Assistance sa transport sector sa labas ng Metro Manila bago matapos ang Abril.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, hindi kabilang sa mga benepisyaryo ang mga tsuper na colorum dahil ayaw aniyang tolerahin ng pamahalaan ang iligal na operasyon.
Gayunman, hinikayat ng kalihim ang mga ito na ayusin ang kanilang mga dokumento upang maging lehitimo at mapasama sa listahan ng mga benepisyaryo sa susunod.
Samantala, naghahanda na rin ang DSWD para sa susunod na phase ng pamamahagi ng tulong pinansyal.
Matatandaang nagsimula ang rollout ng unang round ng Cash Relief Assistance noong April 8 upang makatulong sa mga tsuper at operator sa gitna ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.










