Sinimulan na ng Department of Finance (DOF) ang pamamahagi ng unang tranche ng pinansiyal na ayuda para sa mga middle class workers na nagtratrabaho sa mga maliliit na negosyong apektado ng COVID-19 crisis.
Ayon kay Finance Assistant Secretary Toby Lambino, sinimulan na kahapon (April 30) ang distribusyon para sa wage subsidy sa ilalim ng Small Business Wage Subsidy (SBWS) program.
Sa ilalim ng SBWS program, makatatanggap ng 5,000 hanggang 8,000 wage subsidy ang mga kuwalipikadong manggagawa batay sa buwanang minimum wage sa partikular na rehiyon.
Ang Pamamahagi ng tranche ay magtutuloy-tuloy hanggang Mayo 15 sa pamamagitan ng iba’t-ibang bangko at remittance centers.
Habang magaganap mula Mayo 16 hanggang 31 ang ikalawang bahagi ng tranche.
Kasabay nito, tiniyak ni lambino ang pautang na ipagkakaloob ng gobyerno sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMES) ngayong kasagsagan ng COVID-19 crisis.
Para mabawasan ang risk aversion ng mga bangko, sinabi ni Lambino na magbibigay ng credit guarantee ang Gobyerno.
Dito aniya mangungutang ang mga negosyante sa mismong bangko at may kasama na ring garantiya na kung hindi nila mababayaran ay meron pa rin silang matatanggap na sovereign guarantee.