Inaayos na lamang ang mga kinakailangang dokumento upang masimulan na ang pamamahagi ng ₱500 sa mga pinakamahihirap na pamilya, sa gitna ng nararanasan pagtaas ng presyo ng langis.
Pahayag ito ni Department of Social Workers and Development (DSWD) Director Irene Dumlao kasunod pa rin ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na paabutan ng tulong ang low income families, dahil sa epekto ng oil price hike sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dumlao na tinatayang nasa P12.4 million household ang benepisyaryo ng subsidiya.
Inaasahan aniya na bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte, masisimulan na rin ang pamamahagi ng financial aid na ito.
Tiniyak din ng opisyal na nananatiling committed ang mga tanggapan ng pamahalaan, upang maisakatuparan ang pangakong ito ni Pangulong Duterte.