PAMAMAHAGING RELIEF PACKS SA MGA APEKTADONG CALASIAOENOs, NASA HIGIT 80%

Isa ang bayan ng Calasiao sa nakaranas ng matinding epekto ng mga nagdaang bagyo at habagat, partikular ang malawakang pagbaha na naranasan sa mga barangay.

 

Sa panayam kay Calasiao LDRRMO Officer III Kristine Joy Soriano, sa huling monitoring ng Marusay River, nasa above critical level pa ito, at patuloy na nakaranas ang mga barangay ng Lasip, Mancup, Talibaew, Longos at Lumbang ng malalim na pagbaha.

 

Samantala, patuloy din ang pag-arangkada ng distribusyon ng relief packs sa mga residente.

 

Ayon kay Editha Gorospe, ang Calasiao MSWDO Head, nasa walumpung porsyento na naibigay na mga food packs at magpapatuloy ito hanggang sa masuyod lahat ng barangay sa bayan.

 

Inihayag din ni Calasiao Mayor Patrick Caramat ang katiyakan sa pagsama sa mga Calasiaoeños sa kanilang muling pagbangon mula sa sinapit na pananalasa ng mga kalamidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments