Opisyal nang na-turnover ang pamamahala ng Arte Luna building sa National Museum of the Philippines (NMP) bilang bahagi ng pagtatayo ng NMP–Paoay sa Ilocos Norte.
Sa ilalim ng kasunduan, magkakaroon ang NMP ng karapatang gamitin ang gusali at lupa sa loob ng 25 taon.
Dumalo sa turnover ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan, National Museum, akademya, at stakeholder groups.
Inaasahang magsisilbing sentro ng agham, kultura, at edukasyon ang NMP–Paoay, magpapalawak ng kaalaman at pagpapahalaga sa pamana ng hilagang Ilocos, at tutulong sa pag-unlad ng lokal na ekonomiya at sining sa rehiyon.
Ang Arte Luna, na dating pampublikong paaralan, ay matatagpuan malapit sa Paoay Church sa loob ng Paoay Heritage District at ipinangalan kay Juan Luna.
Facebook Comments







