Pamamahala ni DILG Sec. Eduardo Año, walang epekto sa leadership ng PNP; OIC Lt. Gen. Archie Gamboa, nadagdagan pa ng administrative powers 

Hindi apektado ang pamunuan ng Philipine National Police sa pagtatalaga kay DILG Secretary Eduardo Año para pangasiwaan ang PNP habang wala pang napipili ang Pangulong Rodrigo Duterte na bagong PNP Chief.

Ayon kay PNP Officer in Charge Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa, maayos na tumatakbo ang mga kasakuluyang programa at proyekto ng PNP sa kanyang pamumuno.

Sa katunayan aniya, nadagdagdan pa ang kanyang administrative powers, ito ay ang pagtatalaga sa kanyang magpromote ng ranggong hanggang Police Lt. Col. at maging observer at aktibong makiisa sa mga pagpupulong ng NAPOLCOM para idepensa ang mga programa ng PNP.


Inamin din ni Gamboa na maging sila ay hirap ding makuha ang mga nilalaman ng mga statements ng Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa hanay ng PNP.

Ang mahalaga aniya, maayos ang PNP sa kanyang pamamahala.

Facebook Comments