Pamamahala sa abandonadong Hanjin Shipyard sa Subic, mas maganda kung mapupunta sa gobyerno ayon sa DND

Malaki ang paniniwala ni Department of National Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana na mas mapakikinabangan ng bansa kung ang Gobyerno ang mamamahala sa inabandonang Hanjin Shipyard sa Subic.

Ito ay matapos ang pahayag ng United States private equity firm na Cerberus na bibilhin nila ang nasabing pasilidad sa halagang ₱300 milyong dolyar.

Ayon sa kalihim, hindi niya alam ang kasalukuyang transaksyon dito dahil ang Department of Finance (DOF) aniya ang siyang nangangasiwa at nakikipag-ugnayan sa mga bangko.


Para sa kanya, mas mainam kung ang Philippine Navy ang mamamahala rito para sa lugar sa pagkumpuni at pagmaintain ng mga barko ng Pilipinas at makalikha ng mas maraming trabaho.

Wala namang nakikitang implikasyon ang kalihim sa Pambansang seguridad kung tuluyan na itong magiging kontrolado ng dayuhang kompaniya.

Facebook Comments