Ibabalik na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang sangay ng pamahalaan ang pamamahala sa mga miyembro ng kontrobersyal na Socorro Bayanihan Services Inc (SBSI).
Sa isang inter-agency meeting, tiniyak ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ibabalik nila ang buhay sa Socorro.
Ayon kay Gatchalian, ito ay magbibigay daan upang makatanggap ng kaukulang mga tulong o assistance ang mga batang napagkaitan ng karapatan sa edukasyon at iba pang interbensyon sa kanilang kagalingan at pag-unlad.
Bumuo si Gatchalian ng isang composite team, na binubuo ng mga tauhan ng Department of Health (DOH), Department of Education (DepEd) na siyang kokolekta ng baseline data hinggil sa health and literacy ng mga bata, para sa mga magiging ina sa hinaharap at mga nagpapasusong ina sa Socorro complex located sa Sitio Kapihan sa bayan ng Socorro town.
Sa gabay ng DOH, pangangasiwaan ng DSWD ang mga intervention sa human development component sa pamamagitan ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI CIDSS) program.
Habang ang Department of Labor and Employment sa pamamagitan ng TUPAD ay magkakaloob ng livelihood opportunities sa mga residente ng Socorro.