Mas nanaisin daw ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na mga sundalo na lang ang mamahala sa seguridad ng ikalawang plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Lanao del Norte.
Sabi ni Atty. Salahoden Benhamza, legal counsel ng MILF Northwestern Mindanao Front – hindi kumbinsido ang mga opisyal ng kanilang hanay sa pananahimik ng mga tumututol sa BOL kaya mas makabubuti kung militar na lang ang mangangasiwa sa botohan.
Layunin din daw na maiwasan ang insidente ng dayaan kahit pa kasama ng mga opisyal ang milf sa pagbabantay.
Hindi rin aniya sapat na municipal election officers lang ang nagdadala ng mga balota dahil lapitin umano ang mga ito sa kapahamakan.
Facebook Comments